Hi Elmer. Curious lang ako: subukan mong kumuha (o idownload sa Internet) ang Knoppix Live CD at gamitin ito sa iyong computer. Sa karanasan ko, mas magaling ang Knoppix sa hardware detection. KDE rin ang kanyang default GUI.
Obet On Thursday 22 March 2007 2:23 am, member elmerclaveriajr wrote: > Maligayang bati! > > Nais ko po lamang ibahagi sainyo ang aking karanasan sa pag-install ng > Edgy Eft (KUBUNTU) sa aking Dell Inspiron 640m. Sa simula, hindi agad > magtutuloy tuloy ang pag takbo ng liveCD dahil sa problema sa BIOS. > Kailangan baguhin ito para tumakbo ang X sa 1440x900 na resolution. > Hinanap ko sa internet ang pinkabagong 915resolution.deb para sa i386 > at pakatapos kong i-download ito, habang nasa text mode, ininstall ko > ito gamit ang dpkg: > > $wget http://itoaykunwarilamang.com/915resolution.deb > $sudo dpkg -i 915resolution.deb > > Pagakatapos ay pinatakbo ko na ito: > $sudo 915resolution -l > > Pinalitan ko yung 5c configuration ng nais kong resolution: > $sudo 915resolution 5c 1440 900 > > Tapos ko nang i-hack ang BIOS, kaya pwede ko nang patakbuhin ang X: > $sudo startx > > Kung tama ang iyong ginawa, may makikita kang icon na "install", > iclick mo yon at magtutuloy-tuloy na ang installation. > > Sana ay may ilan sa inyong natulungan nito. > > Hanggang sa muli. > > Elmer Claveria Jr. > _________________________________________________ > Philippine Linux Users' Group (PLUG) Mailing List > plug@lists.linux.org.ph (#PLUG @ irc.free.net.ph) > Read the Guidelines: http://linux.org.ph/lists > Searchable Archives: http://archives.free.net.ph _________________________________________________ Philippine Linux Users' Group (PLUG) Mailing List plug@lists.linux.org.ph (#PLUG @ irc.free.net.ph) Read the Guidelines: http://linux.org.ph/lists Searchable Archives: http://archives.free.net.ph